Una sa Balita

Carlo wagi sa pagtikim kay Bela

By
Carlo Aquino at Bela Padilla
0 2,463

Ang isa pang hindi makapaniwala na kung kelan na nagkakaedad ay saka naman mabibigyan ng big break sa pelikula ay ang magaling na aktor na si Carlo Aquino.

Kaya, abot hanggang langit ang pa-thank you niya kay Piolo Pascual dahil sa sobrang la­king tiwala nito sa kanya para ibigay sa kanya ang lead role opposite Bela Padilla para sa movie na Meet Me in St. Gallen na kinunan pa sa Switzerland.

Para nga kay Carlo, napakalaking pelikula ito para sa kanya dahil sa kanila ni Bela umiikot ang kuwento at siyempre kabado siya sa magiging box-office result nito, huh!

Ikaw ba naman ang sumunod na movie na prinodyus ng Spring Films ang super blockbus­ter na Kita Kita, ano nga naman ang mararamdaman mo, devah?

Pressure kung pressure talaga, noh!

Anyway, ayon na rin nga kay Papa P noon, hindi sila nakasalalay lang sa laki o liit ng kanilang cast, kundi sa ganda talaga ng kanilang movie at kung paano nila ito ikinuwento sa mga manonood.

Ibang tandem man ang pagsasama nina Carlo at Bela, pero sino nga naman noon ang mag-aakala na papatok nang husto sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi?

Pero ang suwerte rin nitong si Carlo, ha! Ang daming gustong matikman ang galing sa pag-arte ni Bela, at siya ang nagwagi, ha! Ano kaya ang sey ni Zanjoe Marudo?