Una sa Balita

Carlo, Trina Candaza mamumundok sa kasal

0 396

Kung pagbabasehan ang mga pabirong hirit ng lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea Tan sa isa sa mga original ambassador na si Carlo Aquino, tila ­nangangamoy kasalan na rin ito at ang girlfriend niya, ang non-showbiz na si Trina Candaza.

Hinihiritan kasi si Carlo na magni-ninang siya at kahit siya na ang sumagot sa reception nito.

Kaya ang tanong kay Carlo, nakaplano na ba ­siyang magpakasal?

“Siyempre, oo, nasa tamang edad naman na ‘ko. Eh, 34 na ‘ko, tingnan natin ‘yung mga susunod na ano –,” nakangiting pag-amin naman ng Kapamilya actor.

Sey ni Carlo, hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang kasal at hindi pa rin siya nagpu-propose sa girlfriend. Pero, kung ito ang tatanungin, si ­Trina na talaga ang nakikita niyang pakakasalan.

Nakita niya raw kasi na may nabago sa kanya.

“Nag-iba ‘yung outlook ko sa buhay,” sey niya.

Naniniwala rin si Carlo na wala raw sa tagal o ikli ng relasyon meron. Katulad nga nila ng girlfriend na one year and two months pa lang, pero tahasan na nasasabi ni Carlo na ito na ang gusto niyang makasama.

Natawa si Carlo sa tanong namin kung sakali, gagaya rin ba siya sa ibang mga artista na nagpapa­kasal nang sikreto.

“Hindi naman secret, hindi lang na-inform,” ang natawang sagot niya.
Kung sakali, simple lang naman daw kasi siyang talaga. At kapag kinasal siya, ang dream wedding nga raw niya ay sa mountain top o tuktok ng bundok.

Sa isang banda, kitang-kita ang closeness nina Carlo at ni Ms. Rhea Tan. Pitong taon nang ambassador si Carlo at mula pa raw sa panahon na hindi pa niya afford magpa-presscon ay kasa-kasama na niya ito sa ilang store opening kahit sa ­malayong probinsya.

Ang bagong product ng Beautederm na “Spruce & Dash” for men ang ine-endorso ni Carlo ngayon.

Isla sa Batangas pinagmalaki ni Dingdong

Umani ng mga positibong review mula sa netizens ang episode ng ­teleserye ni Dingdong Dantes kung saan ipinakita na ang isla na nandoon ang ­shipwreck.

Sa Korean at original version kasi, dinayo pa ito sa Greece, pero sa Pinoy adaptation na pinagbibidahan nina Dingdong at Jennylyn Mercado, hindi na nag-attempt ang production na mag-shoot abroad.

Sa totoo lang, perso­nally ay medyo skeptical pa kami na wala silang location abroad at posibleng mag-suffer into comparison. Pero ‘yun nga, aba, puro magaganda at positive ang ­review.

Na sa pamamagitan daw ng seryeng ito, naipu-promote ang ilang magagandang lugar sa Pilipinas. Pinuri rin ang researcher ng show na nahanap ang naturang location. Kinunan ito sa Fortune Island, Batangas.

Ilan sa mga comment ng netizens, “In this kind of teleserye, we can promote the beauty of our dear country. Good job.”

“Ang ganda ng location. Galing naman ng researcher sa locations. May ganito pala satin? Di na kailangan mag-shoot sa ibang bansa kasi meron naman pala dito satin.”

Bodyguard ni Sarah umani ng lait, batikos

May nan­la­lait at bumabatikos man sa bodyguard ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara sa ginawa nitong pagpapa-interview kay Tulfo, meron din na naniniwala sa mga naging pahayag nito.

Base sa mga nababasa at naririnig namin, wala raw mali sa ginawa ng bodyguard dahil lahat ng naging moves nito ay expected na gawin na ire-report niya bilang ‘yun ang trabaho niya.

May palagay kaming matagal pa ang itatakbo ng Matteo Guidicelli-­Sarah Geronimo-Guidicelli supposedly civil ­wedding controversy.

Wala pang nagsasalita sa lahat ng involved. Si Sarah na naibibida na ang wedding ring sa taping ng “The Voice Kids” ay nag-beg-off for interview.

Pero, may mga netizens na pagkatapos marinig ang kuwento ng bodyguard, tila napakuwestiyon sa mga magulang ni Sarah. At tila hindi rin lahat ng fans ni Sarah ay masaya sa naging wedding.

Masaya raw sila na kasal na ito, pero malungkot lang sila sa naging proseso. Naniniwala pa rin ang mga ito na ­malaking factor pa rin si Mommy ­Divine sa kung ano si ­Sarah. Ilan din sa nabasa namin, hindi na-appreciate na parang itinatakas daw ng magulang ni Matteo si Sarah sa ina nito. Eh, nanay raw ‘yun.

Well, tanging ang dalawang pamilya lang talaga ang nakakaalam ng totoong pangyayari at pinag-ugatan ng lahat. At tanging sina Mommy Divine at Daddy ­Delfin lang din talaga ang makakasagot sa katanu­ngan ng lahat kung ano ang disgusto ng mga ito sa ngayo’y mister na ng anak na si Matteo.

Pero sana nga, time will come na maging maayos din sa kanila ang lahat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More