Una sa Balita

Carlo Aquino nailang sa boobs ni Arci

0 579

Mapapansin na bihira na nga kung mag-post ang kalog na aktres na si Arci Muñoz ng kanyang mga sexy picture. Puro mga adventure lamang niya sa iba’t ibang bansa na balot na balot ang kanyang katawan ang makikita sa kanyang Instagram.

Kaya naman nakuha agad ng aktres ang atensyon ng mga barako nang bigla itong magpasilip ng “pakwan” sa kanyang post. Aba at palapit nang palapit na ang summer at mukhang ini-skip pa ang Valentines’ dahil sa sobrang init na dala ng aktres sa social media feed ng mga fan.

Sabi pa nga ng iba, bago pa dumating si Ivana Alawi ay nauna na nilang pagpantasyahan noon si Arci.

Masayang-masaya nga ang mga barako na muling nag-post ang aktres ng kanyang sexy picture.

Well, partida, cleavage pa lang ang ipinasilip niya, what more kapag binaladra niya na ulit ang sexy figure with bikini?

Nakakatawa lang ang komento ni Carlo Aquino, na inutusan niya si Arci na ipatahi ang damit nito dahil nakabuyangyang nga raw ang cleavage o bahagi ng boobs nito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More