Una sa Balita

Carla, ‘My Love’ ang tawag kay Tom

By
0 18

Sobrang cheesy ang latest post ni Carla Abellana sa Instagram account niya bilang dagdag na greetings sa nakaraang birthday ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez. Binati na ng Kapuso actress si Tom sa mismong araw ng kaa­rawan niya kalakip ang photo na magkasama sila sa ibang bansa.

“HAPPY BIRTHAY, My Love! I pray that your heart will always be happy and filled with peace. I love you so much.”

Sinundan niya ito ng isa pang post quoting­ P. Neruda habang ang background ng pic nila ay ang ­Buckingham Palace sa London.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you straightforwardly, without complexities or pride; so I love you because I know no other way that this; where I does not exist, nor you, so close that your hand on my chest is my hand, so close that your eyes close as I fall asleep.” P. Neruda.”

Dahil sa post na ‘yon ni Carla, nag-offer ang aktres na si Jan Marini na mag-ninang sa kasal ng dalawa, huh!

April, pang-‘for adults’ na ang ALINDOG

april-gustilo
April Gustilo

Patuloy pa ring tumatanaw ng utang na loob kay Willie Revillame ang former dancer na si ‘Congrats’ na sumikat sa game show ng TV host nu’ng nasa ibang network pa ang game show ng host. Pinasok na rin kasi ni April Gustilo (totoong name ni Congrats) ang pag-arte matapos niyang mawala sa programa.

Mula sa pagiging dancer ay naging news anchor si April at sumabak na rin sa acting. Nag-aral din siya sa UP Di­liman. Kapag napapasyal siya sa former mentor, kapag pinag-host siya eh, wala siyang tanggi.

“Dinadalaw ko si Kuya minsan. Kung hindi dahil kay Kuya hindi ko mararating ‘yung ano ang meron ako ngayon. Hindi ko siya mahindian kapag sinasabi niyang, ‘O, mag-host ka!’” pahayag ni April na isa sa lead cast ng sex-comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) na mapapanood sa Music Museum ngayong Oktubre.

Unang sabak niya sa pag-arte sa stage. Nailang siya nu’ng una dahil hindi siya sanay. So ano ang pasabog niya sa play?

“Ito ang daring na ginawa ko. Sobrang daring! Ha! Ha! Ha! Sabi ko nga, nasa akin na ang korona ng pagiging daring talaga!” deklara ni April.