Una sa Balita

Carla kinantahan ni Tom sa banyo

0 417

Limang taon na ang relasyon nila Tom Rodriguez at Carla Abellana at going strong pa rin ang pagsasama nila.

Bilang patunay ng kanilang magandang relasyon, may sinulat na isang song si Tom para kay Carla at nai-share niya ito sa Instagram.

“Banyo singing: unfinished song I started yesterday for my muse :):):) #garagebandios #­banyoreverb,” caption pa ni Tom.

Hindi pa nga buo ang song na sinimulang isulat ni Tom para kay Carla. Pero siguradong magugustuhan daw ito ni Carla kapag buo na ang song.

Isang “I love you!” naman ang naging comment ni Carla sa pinost ni Tom sa IG.

Maraming netizens ang n­ag-encourage kay Tom na tapusin ang song dahil maganda ang l­yrics nito. Pati na ang pag-awit ni Tom ay pinuri ng mga nakapakinig.

Bukod daw sa pagiging mahusay na actor, may future din daw si Tom na maging singer-songwriter. (Ruel M­endoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy