Una sa Balita

Carla bet maging action star

By
0 248

Tubong Rodriguez, Rizal ang candidate No. 6 na si Carla Joyce Ledesma para sa Batch 2 ng “Abante Babe, Ganda Mo, Teh!”

Siya ay 18 years old, 5’7” in height, with vital statistics 33-24-34 at kasalukuyang Grade 12 sa Eastern Valley School. Mahilig siyang tumugtog ng iba’t ibang musical instrument at magluto. Favorite sports niya ay volleyball.

“Matalino kahit hindi guwapo, dahil maganda na ‘yung may utak kasi mas may mararating in the ­future,” ang sagot niya sa tanong kung alin ang gusto niya: lalaking matalino pero hindi guwapo o guwapo pero walang talino.

“Si DJ o Daniel Padilla ang celebrity crush ko, ­parang ang talented niya at ang lakas ng appeal,” sambit niya.

Action movie ang type na gawin ni Carla kung sakaling pasukin ang pag-aartista. Isang ganap na chef sa sikat na restaurant ang nakikini-kinita ni Carla in 10 years.

Para bumoto, gupitin lang ang article na ito (Carla Joyce Ledesma Abante Babe #6 Batch 2 for September, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor ­Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansang makapanood sa grand coronation. Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Puwede ring mag-like online sa photo ni Carla para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram at website na www.abante.com.ph.