Una sa Balita

CARLA, ‘BEST FOREIGN ACTRESS’ SA VIETNAM!

By
Carla Abellana
0 7

Iba talaga ang ganda ng isang Carla Abellana at hindi kataka-takang ­mapanalunan nito ang Best Foreign Actress sa Face of the Year 2016 sa isang taunang parangal sa Vietnam na kumikilala sa mga natata­nging artista sa telebisyon at pelikula.

Napanalunan ng Kapuso leading lady ang naturang award dahil sa kanyang teleserye na My Destiny na ipinalabas sa bansang Vietnam. Kasama ni Carla sa My Destiny sina Tom Rodriguez, Sid Lucero, Rhian Ramos at Lorna Tolentino.

Dumagsa ang mga boto para kay Carla sa online at text voting mula sa Vietnamese audience at napagkaisahan na si Carla ang manalo ­bilang Face of the Year 2016.

Magaganap ang Face of the Year 2016 awards night sa darating sa January 6, sa Saigon Opera House sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Regine, excited nang makasama sa bahay ang panganay ni Ogie!

Ngayong January ay parating na ang panganay na anak ni Ogie Alcasid sa ­kanyang ex-wife, ang former Miss Australia na si Michelle Van Eimeren. Sa Pilipinas na mag-aaral ng college si Leila Alcasid at pinaghahandaan na rin ng misis ni Ogie na si Regine Velasquez-Alcasid ang pagdating ni Leila dahil sa kanila ito titira.

Ipinamalita ni Leila sa kanyang blog ang kanyang big move to Manila noong nakaraang December 2016. Sa Instagram account ng Asia’s Songbird, ito ang ­kanyang pinost:

“I’m excited to have you here sweetheart.”

Sa isa pang post ni Regine, pinahayag nito ang kanyang kasayahan dahil madadagdagan na sila ng isa pang family member sa bahay nila.

“This year will be a great year for you me and daddy…..why coz she is coming.”
Ayon pa kay Regine, darating si Leila in 2 weeks.