Una sa Balita

Carla Abellana naospital sa Japan

0 626

Madalang naming makita si Carla Abellana nitong mga nakaraang araw. Wala rin kasi siyang bagong show sa GMA, kaya hindi rin siya madalas humarap sa media.

At sa Instagram naman niya, karamihan ng pinu-post niya ay tungkol sa mga aso, hayop, na adbokasiya nga niya. Katunayan, ang pagtulong sa mga hayop na biktima rin ng lindol sa Mindanao ang inasikaso rin niya.

Kaya nagulat kami na nasa Japan pala si Carla ngayon, at naospital pa siya.

“Pati sa Osaka naoospital ako. Ano ba ito. But I’m fine now, guys. Thank goodness for @toyonaka_bunny,” sabi ni Carla sa last post niya.

“At 33 I am at my most unfit and unhealthy state. I wish I were fit and healthy again, but my illnesses hinder me from getting there,” post pa rin niya.

Hindi malinaw kung ano ba ang sakit ni Carla, pero sa mga latest vlog naman niya, makikitang super happy pa rin niya, lalo na sa last vlog niya na mini-makeup-an siya ng dyowa niyang si Tom Rodriguez.

Anyway, super worried nga ang mga kaibigan niya sa showbiz, at lalo na ang mga fan niya.

“Hey Cars, get well soon…your LOML fam is thinking of you,” sabi ni Rhian Ramos.

Kuya Tonipet: “Carl, get well soon please. Hinay-hinay na rin muna when you get home. Hugs and prayers.”

Rita Avila: “Ur brain is the ‘general’ of ur cells who are the ‘soldiers’. Make the general give its order to the soldiers. They r strong and healthy soldiers! Get well my dear. @carlaangeline.”

Get well soon, Carla… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy