Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Carjacking lider Dominguez atake sa puso kinamatay – BuCor

0 68

Hinayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na cardiac arrest umano ang ikinamatay ng high profile inmate na lider ng carjacking group na si Raymond Dominguez.

Sa isang panayam sa radyo kahaon, sinabi ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na cardiac arrest ang ikinasawi ni Dominguez base na rin sa isinagawang autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bangkay nito.

Matatandaang natagpuang wala nang buhay si Dominguez sa loob ng kanyang selda sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City alas-6:20 Biyernes ng umaga.

“It appears that he died of natural causes. But we will wait for the medico-legal report. No sign of foul play is noted,” pahayag ni Chaclag.

Inatasan na ni Justice Secretary Menandro Guevarra ang BuCor na isumite kaagad ang ulat sa nasabing pangyayari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, hindi naman naniniwala si Mae Dominguez, asawa ni Raymond, na namatay sa natural na paraan ang kanyang mister.

Base sa naunang panayam sa biyuda, tinawagan pa umano siya ni Raymond Huwebes ng gabi upang magpaalam at inaasahan na umano niya ang kanyang kamatayan.

Matatandaang noong 2012 ay nasintensyahan sa Bulacan Regional Trial Court (RTC) si Raymond Dominguez kasama ang kanyang kapatid na si Roger sa kasong carjacking at murder sa pagpatay kina Venson Evangelista at Emerson Lozano noong 2011.

Noong 2020 ay naiulat ng BuCor na dalawang beses na umanong nagkaroon ng coronavirus disease 2019 si Dominguez sa loob ng NBP at naiulat pa itong nasawi sa nasabing sakit subalit mabilis itong binawi ng BuCor. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.