Una sa Balita

Carino, 6 pang rider sisikad sa Tashkent

0 274

PANGUNGUNAHAN ni Daniel Ven Carino ang anim pang Filipino rider na sisikad sa 2019 Asian Road Cycling Championship sa Uzbekistan.

Unang papadyak si Carino, 21-anyos na Best Young Rider ng 2018 Le Tour de Filipinas mula Mangaldan, Pangasinan, sa 40-kilometer Men Under-23 individual time trial sa Miyerkoles, 6:30 pm (oras sa Manila).

Bago ‘yun, aarangkada si 18-year-old Marc Ryan Lago ng Taguig sa 30-km Men Junior ITT.

Binuo at pinadala nina PhilCycling president Bambol Tolentino at secretary general Atty. Billy Sumagui ang team na suportado ng Go For Gold.

Sina Rustom Lim at Rex Luis Krog ang Filipinos na nakakapagkuwintas na ng medalya sa Asian circuit. Naka-silver si Krog sa 2018 Championships sa Myanmar, bronze si Lim sa Thailand noong 2011.

Kakampanya ang Men Junior squad nina Lago, Efren Reyes Jr. (18) at Ean Cajucom (17) sa 105.6-km men junior individual road race na magsisimula at matatapos sa Gazalkent.

Gigiyahan ni Carino ang U-23 squad sa 148.40-km individual road race sa Gazalkent din. Kukumpleto sa team sina Ismael Gorospe Jr., Joshua Mari Bonifacio at Jerico Lucero.

Maliban sa tigasing teams mula Asia, kailangan ding labanan ng Filipinos ang matinding mountain courses at lamig na pumapalo sa 14 degrees Centigrade.

Isusumite rin ng PhilCycling ang bid para i-host ang Asian BMX Championship sa 2020 sa Asian Cycling Confederation Congress sa International Hotel Tashkent sa Biyernes. Malapit nang matapos ang International Cycling Union-regulation BMX track sa Tagaytay. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy