Una sa Balita

Caretaker nagbigti sa Olongapo

By
0 1,915

NATAGPUANG naka­bigti ang isang lalaki sa pintuan ng tinutuluyan nitong apartment kamakalawa sa Brgy. Kalaklan, Olongapo City.

Sa impormasyon na nakalap ng Abante, kilala lamang umano ang biktima sa kanilang lugar sa pangalang ­‘Ferdie’, ng No. 59-C Lower Kalaklan, ng nabanggit na barangay.

Natuklasang naka­bigti ang lalaki, gamit ang isang nylon cord, ng kanyang kapitbahay bandang alas-5:40 kamakalawa ng umaga, at mabilis na ipinagbigay-alam sa mga BPAT ng Kalaklan.

Napag-alaman pa na pansamantala lamang umanong pinatira ang biktima ng may-ari sa tinutuluyan nitong apartment.