Una sa Balita

Career-high 45 pts ni Durant, nasayang

0 298

NAKASISIGURO ang Clippers na babalik sila ng Los Angeles para i-host ang Game 6 ng Western Conference first-round playoff series.

Nagbaon ng fadeaway jumper si Lou Williams 1:29 sa laro at umapoy ng 33 points at 10 assists, at pinigil ng Clippers ang Golden State Warriors 129-121 sa Game 5 Miyerkoles nang gabi.

Nabitin ang seleb¬rasyon ng two-time defending champions, lamang pa rin sa series 3-2 pero nanga¬ngailangan ng suporta sa playoff career-high 45 points ni Kevin Durant.

Sa Game 2 sa Oracle Arena din, nag-rally ang Clippers mula 31-point deficit para agawin ang panalo at ilista ang pinakamalaking comeback sa NBA postseason history.

Game 6 sa Sabado (araw sa Manila) sa LA.

Nakabingwit ng charge mula kay Klay Thompson sa 1:40 mark ng fourth quarter si Patrick Beverley at umiskor ng 17.

Nag-ambag si Danilo Gallinari ng 26 points at 7 rebounds, may 24 markers si Montrezl Harrell sa Clippers.

Nagsumite si Stephen Curry ng 24 points, tumapos si Thompson ng 22 para sa Warriors. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy