Una sa Balita

Cardona, Wilson ipapagpag ang kalawang sa Game 3

By
0 300

Game 3 finals nga­yon: (FilOil Flying­ V Centre)
7:00pm — San Juan vs Davao Occidental

LILIPAT sa balwarte ng San Juan Knights sa FilOil Flying V Centre ang dalawang sunod na laro ng best-of-five national finals series ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup.

Inaasahan na dadag­sa ang fans para saksihan ang Game 3 na bakbakan sa pagitan ng San Juan at Davao Occidental Tigers ngayong Martes, Abril 16.

May pagkakataon­ ang San Juan na manakaw ang kampeo­nato sa mga susunod na laro. Huling tinanghal na national champion ang San Juan noong 2000 sa Metropolitan Basketball Association (MBA).

Mas kailangang mag­trabaho ngayon ng Knights matapos ang Game 2 loss nito noong Sabado nang malimita­han sina Macmac Cardona at John Wilson dahil sa magandang depensang binigay ng Davao.

Tumapos lamang ang dalawa ng 12 pinagsamang puntos, si Cardona ay may 3-for-15 mula sa field habang si Wilson naman ay may 2-for-10 shooting.

Susubukan naman ng Davao makasikwat na kahit isang panalo para maibalik ang serye sa Davao at muling sasandalan nito sina Billy Robles at Mark Yee.

Noong Game 2 pumutok ng 17 puntos si Robles habang nirehistro naman ni Yee ang kanyang ika-20 double-double finish, 16 puntos at 10 rebounds.

“Confident ako na makaka-isa kami sa San Juan,” sabi ni Robles. “Ang importante, naipanalo namin yung Game 2 and tumaas yung kumpiyansa namin ahead of Game 3.” ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy