Una sa Balita

Cardona, Knights tatagpas sa Biñan

0 401

Mga laro ngayon: (Alonte Sports Arena)
4:15 p.m. – Soccsksargen vs Pampanga
6:45 p.m. – Makati vs Imus
8:45 p.m. – Biñan vs San Juan

ISA sa sasandigan ng San Juan Knights Go For Gold si ex-pro Mark Cardona pagtapat mamayang alas-8:45 nang gabi sa Biñan City Laguna Heroes sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Alonte Sports Arena, Biñan.

Tumabas si Cardona ng game-high 19 points, 6 assists at 3 rebounds nang eskrimahin ng Knights Muntinlupa nitong Oktubre 21, 91-63, para mag-isa pa rin sa Group A North Division top spot sa 17-2 win-loss record.

Dalawang ex-pro rin ang aagapay sa opensa ng San Juan sa personahe nina John Wilson na tumapos ng 16 at Larry Rodriguez rin na halos tumapos ng twin-twin job, 14 markers at 8 boards para sa magkasunod na ragasa.

Samantala, plano namang kalsuhan ni Allan Mangahas ang limang sunod na talo at itaas ang 6-13 kartada nila na tama para sa ika-12 sa Group B South Division.

Salpukan din ang Makati Super Crunch (15-3) at Imus Bandera (5-13) sa alas-6:45 nang gabi, at ang SOCCSKSARGEN Marlins (0-18) kontra Pampanga Giant Lanterns (12-7). (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy