Una sa Balita

Cardo pinatay sa ‘Ang Probinsyano’

0 952

Panligaw sa galit ng mga manonood sa karahasan:

Kung may unli-rice, ‘unli-life’ naman kung tawagin ng mga fan si Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin sa long-time running teleserye na “Ang Probinsyano.” ‘Di ba nga, sa dinami-rami ng kalaban niya, hindi talaga siya mamatay-matay, kahit harapan na ang labanan.

Pero sa katatapos lamang na episode noong Martes nang gabi, la-king gulat ng mga fan na namatay si Cardo sa pagtatapos ng episode para sa gabing iyon.

Ito ay eksena kung saan nagraratratan sina Bungo (Baron Geisler) at Cardo, doon nga nagkaroon ng pagkakataon na makatsamba si Bungo na tamaan si Cardo, dahilan para mamatay ito.

Agad itong nag-trend sa social media, at samu’t saring reaksyon at palaisipan ang bumalot sa episode sa gabing iyon.

“Seryoso bang patay na si Cardo?”

“Baka panaginip lang ‘yan!”

“Hala! Edi tapos na Ang Probinsyano?”

‘Yan at marami pang iba ang mga inisyal na reaksyon ng mga solid viewer ng naturang palabas, maski nga ang mga minsan lang makanuod ay naintriga sa eksenang iyon.

Nagtatanong naman ang iba kung paano magpapatuloy ang palabas kung wala na si Cardo, habang ang iba naman ay malakas ang panana-lig na hindi pa iyon ang katapusan ni Cardo dahil ito nga ang bida.

At saka, ‘di ba nga, maggi-guest pa si Judy Ann Santos sa “Ang Probinsyano”, kaya paano naman papatayin si Cardo? Naku, gusto na naman ni Coco na ibahin siguro ang pakiramdam ng mga manonood, na nagwala sa rape scene ng pulis na babae. Gusto niyang iligaw ang eksena, na ang pagkamatay niya ang pag-usapan.

At mukhang successful naman siya dahil usap-usapan nga ‘yon ngayon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy