Una sa Balita

Cardo, ‘Kara Mia’ bakbakan ngayong gabi!

LALABAN KAMI! — CARMINA

0 1,445

Alam na alam ni Carmina Villaroel na sangkatutak na teleserye na ng GMA-7 ang lumaban, tumapat sa “FPJ’s Ang Pro­binsyano” ni Coco Martin. At alam din niya na halos lahat sila ay nabigo.

Oo nga naman, mahi­git tatlong taon na ngang namamayapag sa ere, rating, ang teleser­yeng ito ni Cardo Dalisay sa ABS-CBN, ha! At suntok sa buwan talaga kapag tinapatan mo ito.

Pero, sabi nga, mukhang ang “Kara Mia” nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang isang te­leserye na malaki ang pag-asa at may ibubuga talaga laban kay Coco.

“Mabigat ang kalaban!” sabi ni Carmina Villaroel, ang gaganap na nanay nina Mika at Barbie.

“But like I said, ayaw kasi naming i­lagay sa isip namin na gagawin namin ito, tatapatan natin ito, kailangan talunin natin ito. Kasi mai-stress lang kami.

“Ayaw naming uma­ngat nang sobra-sobra. Pero sana nga, bigyan lang kami ng pagkakataon. Like I said, gusto lang naming bigyan ng ibang options ang mga viewers.

“Either mag-Adobo ka or mag-Sinigang ka. So, I’m sure both networks naman, ang ini­isip lang nila ay ang mga manonood. So, ibigay lang natin sa mga manonood kung ano ang gusto nila. Ganun lang naman ‘yon.

“So, bigyan lang sana kami ng chance. Kasi, alam naming hindi kami mapapahiya sa ini­o-offer namin. Alam naming gasgas na ‘yung mga linya na ‘pinaghirapan namin ito’, ‘magandang istorya ito’, pero nakita niyo naman, kakaiba talaga.

“Sabi ko, sana huwag muna kaming i-judge. Bigyan kami ng pagkakataon. Tingnan niyo lang at sigurado ako matutuwa kayo.

“Ang alam ko kasi hindi naman talaga sila ang unang katapat namin. O baka kami-kami lang ang naga-assume.

“Pero ‘yun na nga, ang hirap ng mga ginawa namin dito. Nu’ng nakita namin ‘yung mga memes, nakakatuwa na ina-appreciate nila kami. Ini-effort nila ang paggaya kina Barbie at Mika. So, sana tangkilikin talaga nila!

“May pressure talaga. Pero ayokong ma-stress. Ayokong magkasakit. Ginawa ko lang ang trabaho ko. Confident naman kami sa project namin. Sabi ko nga, sa kahit na anong contest, may isa lang na winner.

“Sabi ko nga, lumaban lang. Ayaw namin na mataas na expectations. So, sana lang talaga,” chika na lang ni Carmina.

Pero siyempre pinaghahandaan din sila ng kalaban nila?

“Hindi ko alam. Hahahahaha!” reaksiyon na lang ni Carmina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy