Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cardo Dalisay patok sa YouTube

0 797

Alam mo, Dondon, maganda ‘yung naisipan ng ABS-CBN at Dreamscape na magkaroon na rin ng live streaming ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel nila simula noong Tuesday night.

Balita sa akin ng mga fan ni Richard Gutierrez (na special guest ngayon sa series ni Coco Martin), more than 52,000 daw ang viewers ng live streaming na ‘yon ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Eh, that day lang nag-announce ang Kapamilya network at ang Dreamscape ng tungkol doon, kaya I’m sure, in the coming days, mas marami pa ang manonood ng kanilang live streaming ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

May lumabas nga pala na stop taping muna ang nasabing series, kaya worried ang mga fan na baka hindi magtuloy-tuloy ang airing ng new episodes sa Kapamilya network, iWant at TFC.tv apps, sa TFC (The Filipino Channel) ay YouTube nga.

Pero may nakapagtsika naman sa akin na sapat ang mga nai-tape na nilang mga eksena hanggang sa mag-resume sila ng taping, kaya nothing to worry, huh!

Yassi, Richard nakakakilig ang lambingan

Oo nga pala, ang mga fan ni Richard, kilig-kiligan sa flashback scenes nila ni Yassi Pressman na naipalabas na sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sa istorya kasi, magkababata silang dalawa bilang sina Lito at Alyanna, kaya may flashback scenes nga silang ipinapakita sa nasabing series.

Ang misis ni Richard na si Sarah Lahbati ay tinanong ko kung nanonood ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at YES ang sagot niya.

In real life, sobrang close sina Sarah at Yassi, kaya naaaliw rin siya na pinapanood ang mga eksena ng kaibigan at ng kanyang mister.

Jed inulan ng biyaya

Birthday noong isang araw ni Jed Madela at nang maka-chat ko siya sa pamamagitan ng Facebook Messenger para batiin, kaagad naman siyang nag-thank you.

Siyempre dahil sa COVID-19 pandemic, walang malaking selebrasyon ang singer.

“Sa house lang, nag-dinner,” sabi ni Jed.

Pero thankful naman si Jed dahil bago pa siya nag-birthday ay bumalik na siya at nakapag-live for “ASAP Natin ‘To” at nakailang tapings din sila ng Sunday musical show ng Kapamilya Network.

“Saka balik-TNT (‘Tawag ng Tanghalan’ sa ‘It’s Showtime’) na rin ako. Balik the whole week. Sa studio kami, kaya nakakapag-work na rin,” sabi ng birthday boy.

Siyempre, isa sa birthday wishes ni Jed ay ang tuluyang masugpo na ang pandemic na ito, na magkaroon na ng vaccine para bumalik na sa normal ang lahat.

I guess, lahat naman ‘yan ang panalangin, ‘di ba, Dondon (my dear editor)?!

Actually, sa showbiz, ang mas tinamaan talaga ng pandemic na ito ay ang mga singer na hindi makapag-concert pa hanggang ngayon.

Ilang concert promoters and producers nga ang nakatsikahan ko na nagsabing hanggang ngayon ay hindi pa sila sure kung kailan magre-resume ang mga concert.

Sa abroad, may ilang promoters/producers na nag-announce na ng rescheduling for next year ng ilang shows na napurnada this year dahil sa pandemic, pero marami naman ang may duda kung matutuloy na nga ba ang mga ‘yon.

Kasi with social distancing din, parang ang hirap mag-concert talaga lalo na at 30% lang yata ang puwedeng audience sa mga venue.

Eh, kapag ganoon, kailangang magtaas ng presyo ng tickets, pero sa current situation natin na maraming naghihirap ay parang malabong ma-afford ng mga fan ang mas mataas na tickets, ‘noh?!

Leave A Reply

Your email address will not be published.