Una sa Balita

Cardo Dalisay nilampaso sina Kara Mia

0 916

Kinapitan pa rin ng mas maraming Pilipino ang maaksyong kuwento ng “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos nitong magrehistro nang higit dobleng lamang na national TV rating kumpara sa bago nitong katapat noong Lunes (Pebrero 18).

Nagkamit ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ng 41%, o 23.1 puntos na lamang laban sa “Kara Mia” na nakakuha lang ng 17.9%, ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din ang Kapamilya serye online matapos makasama ang official hashtag nitong #FPJAP3Pasakit sa Twitter.

Napanood sa episode ang hindi inaasahang pagkakabihag nina Diana (Angel Aquino) at Bubbles (Bianca Manalo) matapos silang hindi makatakas sa kampo ni Alakdan (Jhong Hilario) at Heneral Hipolito (John Arcilla).

Tatlong taon nang pina­tutuloy ng mga manonood sa kanilang mga tahanan si Cardo at maliban sa aksyon, hinahangaan din ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa mahahala­gang aral na ibinibahagi nito gabi-gabi.

Mula rin nang umere ito sa telebisyon, hindi na ito natinag sa national TV ratings at nanatiling pinakapinanood na programa sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy