Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cardo Dalisay baboo na sa July 1

0 549

Balik lock-in taping ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, pero hindi ko na inusisa ang source ko kung last lock-in na ba nila ‘yon dahil marami na rin naman ang nagkukuwentong hanggang July na lang ang action-drama series ng ABS-CBN.

Katulad ng madalas naming sabihin, habang hindi ang Dreamscape Entertainment at Kapamilya Network ang nag-a-announce ng finale ng show ni Coco Martin ay ang hirap ding paniwalaan ang mga chikang naglalabasan, ‘noh?!

What do you think, Dondon (my dear editor), puwede na bang isulat na hanggang July 1 na lang ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at sa July 3 na ang pilot telecast ng ‘Darna: The TV Series’ nina Jane de Leon at Joshua Garcia?

Anyway, in fairness sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ang bongga pa rin talaga ng viewership nila sa iba’t ibang platforms.

And in fairness naman kasi, grabe ang star power ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ dahil kasama rin doon sina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, John Estrada, Julia Montes at Richard Gutierrez, huh!

So bongga!

Kit tuluyan nang pinatay sa Piolo-Lovi serye

Kahapon naman ay bumalik ng Pampanga si Lovi Poe dahil today ang cycle 4 lock-in taping nila ng ‘Flower of Evil’ kung saan ay kapareha niya si Piolo Pascual.

Bale pictorial muna ang ginawa nila kahapon.

Ang chikang nakarating sa akin, last week of June raw magsisimulang ipalabas sa Kapamilya Network ang Pinoy adaptation ng Korean drama na ‘yon.

Ngayong cycle 4 nga pala uulitin ang mga eksenang nakunan kay Kit Thompson dahil tinanggal na nga ito sa cast ng ‘Flower of Evil’.

Pero, Dondon, hintayin na lang natin na ang ABS-CBN at ang Dreamscape Entertainment ang mag-announce kung sino ba talaga ang kapalit ni Kit sa series na ‘yon, ‘noh?!

Leave A Reply

Your email address will not be published.