Una sa Balita

Cardema pinatigil ng Comelec sa kadaldalan

0 413

Inatasan ni Commission on Elections (Comelec)­ Commissioner Rowena Guanzon si da­ting National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na tigilan ang pagsasalita nito tungkol sa kanyang petisyon na maging substitute nominee ng Duterte Youth party-list group.

Sinabi ni Guanzon na mas mainam na pigilan ni Cardema ang kanyang bibig sa pagbibigay ng anumang pahayag o interview sa usapin ng nominasyon nito bilang kinatawan ng nasabing party-list group dahil­ dinidinig na ito ng Come­lec.

“Please refrain from giving interviews because we are now holding­ hea­rings so the case is already sub judice,” pahayag ni Guanzon.

Sinimulan ng Come­lec noong Martes ang pagdinig sa 10 petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo na kumukuwestiyon sa edad ni Cardema na anila ay pangunahing­ requirement para maging­ kinatawan ng kabataan sa Kongreso.

Si Cardema ay 34-anyos na at lagpas ito sa edad na 30 para maging kinatawan ng kabataan.

Bukod kay Cardema ay inatasan din ni Guanzon ang mga naghain ng petisyon na manahimik habang dinidinig ng Comelec ang nasabing usapin. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy