Una sa Balita

Cardema nang-espiya sa Romualdez bloc

0 284

HINDI pa man ganap na kinikilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang kinatawan ng Duterte Youth Party-list, umeksena na kahapon si dating NYC Commissioner Ronald Cardema sa pagpupulong ng mga supporter ni incoming Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Ilan sa 40 kongresistang dumalo sa pulong ay hindi mapakali sa presensiya ni Cardema dahil kilala itong confidante at inaanak sa kasal ni Party-list Coalition President Mikee Romero.

Si Cardema ay naispatang kasama ng grupo ni Romero nang dumalo ito sa victory party na inorganisa ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa mga nanalong kandidato ng Hugpong ng Pagbabago sa nakaraang halalan.

Nitong Miyerkoles, sinuportahan ni Romero ang ang manifesto sa speakership bid ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy