Una sa Balita

Cardema hao-shao sa party-list bloc — Romero

0 203

NILINAW ni 1Pacman Party-list Mikee Romero na saling-pusa lang at hindi ganap na miyembro ng Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI) si dating National Youth Commission chairman at disqualified Duterte Youth first nomi­nee Ronald Cardema.

Ginawa ni Romero ang pahayag matapos pagsabihan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon nang malaman nito na patuloy pa rin sa pagdalo ng mga pagtitipon na may kinalaman sa PCFI si Cardema kahit pa diniskuwalipika ng ahensya dahil sa pagiging overage nito.

Ayon kay Romero, ‘observer’ lamang ang status ni Cardema sa PCFI at hindi ito bonafide member ng nasabing grupo

“Cardema was invited by PCFI on few occasions as a ‘mere observer’ of the Duterte Youth Party-list and not as an official Representative of the 18th Congress,” saad ni Romero na siya ring pinuno ng PCFI.

Ayon kay Romero, iginagalang ng party-list bloc ang naunang resolusyon na ipinasa ng Comelec kung saan nilinaw nito na hindi kuwalipikado si Cardema na maging kinatawan ng sektor ng kabataan kagaya ng Duterte Youth dahil siya’y 34-anyos na.

Hindi dapat lalagpas ng edad 30-anyos ang sinumang nominee mula sa youth sector base sa Party-list Act.

Sa kabila ng kanyang pagkaka-dis­kuwalipika, muling isinumite ng Duterte Youth ang pangalan sa Cardema sa bago nitong listahan ng mga nominee na isinumite ng grupo sa Comelec en banc noong nakaraang Huwebes.

Hindi maitago ni Guanzon ang pagkabanas nito nang mabalitaang patuloy pa rin sa pagdalo sa mga PCFI sponsored event si Cardema sa kabila ng pagiging hindi kuwalipikado nito bilang Duterte Youth nominee.

Nilinaw ni Romero na tanging ang Duterte Youth lamang ang kinikilala ng PCFI at hindi si Romero matapos manalo ang grupo nitong nakaraang 2019 mid-term elections

“PCFI has recognized Duterte Youth as a party-list who won a seat in the May 13 elections,” saad ni Romero. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy