Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Caravaggio, Sweet Maxinne markado

0 66

TAGISAN ng bilis sina Caravaggio at Sweet Maxinne laban sa anim pang kalahok sa magaganap na Philracom Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

May distansyang 1,400 metro, ang ibang kalahok ay sina Quid Pro Quo, Broadway, Kid Kenshin, Kungfu Karatu, Baby Riley at Biktori.

Napipisil ng ibang karerista na tayaan sina Caravaggio at Sweet Maxinne na sasakyan nina jockey MD De Jesus at MB Pilapil sa event na may added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Related Posts

“Kursunada ko lang tayaan sa winner take all sina Sweet Maxinne at Caravaggio, suwertihan lang din naman ‘yan, maraming natatalong liyamado din naman,” saad ni Carlito Ladiana, veteran karerista.

Inaasahan na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista dahil target ng mga kalahok ang karagdagang P5,000 na premyo na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Samantala, pitong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.