Una sa Balita

Carandang, Sta. Rita, Malabanan kumunekta

By
0 69

Mga laro sa Sabado:
(Caloocan Sports Complex)
2:00 p.m. – Smart vs Generika-Ayala
4:00 p.m. Cignal vs Petron
6:00 p.m. – Cocolife vs Sta. Lucia

NAGTALA ng magkahiwalay na panalo ang Smart at Generika-Ayala upang ilista ang tigalawang panalo kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Limang set ang kinaila­ngan ng Giga Hitters upang kalusin ang Cocolife 26-16, 18-25, 25-20, 2325, 15-11 sa first game habang kinawawa ng Lifesavers ang Sta. Lucia 25-7, 25-11, 25-21 sa pangalawang laro.

May 2-2 karta ang Smart, 2-3 naman ang baraha ng Generika-Ayala habang bokya pa ang Asset mana­gers (0-4) at Lady Realtors (0-5) sa event na suportado ng Isuzu, Sogo, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen at Bizooku kasama ang Genius Sports bilang technical pro.

Kinapitan ng Smart si Gretchel Soltones sa endgame, nagtala ang former Most Valuable Player sa National Collegiate Athletic Association ng 17 points, 16 digs at 25 excellent receptions.

Nagpakitang-gilas din sina Czarina Carandang, Jerrili Malabanan at Joyce Sta. Rita upang giyahan sa panalo ang Giga Hitters.