Una sa Balita

Caraga nangunguna sa implementasyon ng programang pangkapayapaan

0 318

Sa ilalim ng Exe­cutive Order No. 70 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Dis­yembre 4, 2018, para sa pagbuo ng national peace framework at pagtatag ng ‘whole-of-nation approach’ upang makamit ang ‘inclusive and sustainable peace’ sa bansa na naglalayong lutasin ang mga ugat ng mga nangyayaring kaguluhan.

Bilang nakatalagang Cabinet Officer for Regional Development & Security (CORDS) for Caraga Region at chairperson ng Caraga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ay agad tayong tumalima upang buuin ang Caraga RTF-ELCAC sa pakikipagtulungan ng Regional Development Council (RDC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) sa nasabing rehiyon.

Layunin ng ating binuong RTF-ELCAC na puksain o masawata ang problema sa local communist armed conflict sa Caraga Region sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kanilang pagkatiwalaan ang gobyerno upang matugunan ang ugat ng kanilang kahirapan, kamangmangan, kawalan ng katarungan, korap­syon at iba pang mga usapin sa mga lalawigan.

Sa pamamagitan ng ‘whole-of-nation approach’, magkakatuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa paghahatid ng tunay na serbisyo gaya ng pagkakataon sa trabaho, social deve­lopment packages, de-kalidad na edukasyon, libreng pagsasanay, pabahay, pangangalaga sa kalusugan, at payapa at magandang pamumuhay para sa lahat lalo na sa pinakamahirap na mamamayan ng lipunan.

Ang Caraga ang pinakaunang nag-localize ng pagpapatupad ng task force mula sa regional level down to provincial, city, municipal hanggang barangay level.

Dito rin kauna-una­hang isinagawa ng regional task force ang isang film festival sa ilalim ng pamamahala ng Philippine National Police (PNP) Regional Office na nilahukan ng mga estudyante sa high school at kolehiyo.

Ang Caraga RTF-ELCAC din ang kauna-unahan sa buong bansa na nagsagawa ng Barangay Summit on EO 70 na dinaluhan ng 80 pilot barangays kasama ang mga kinatawan ng civil society organizations at pribadong sektor.

Pinakauna rin ang Caraga RTF-ELCAC na nagkaloob ng ayudang pinansiyal at iba’t ibang tulong pangkabuhayan sa mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan sa pakikipatulungan ng mga nasyunal na ahensiya ng gobyerno.

Pormal na rin nating naselyuhan ang commitments ng mga ahensiya at stakeholders sa pamamagitan ng paglagda sa isang pangako na maging kaisa sa pagpapanumbalik ng katiwasayan sa buong rehiyon.

Itong ginawa natin sa Caraga ang magi­ging template o batayan ng ibang rehiyon sa pagsusulong ng EO 70 upang maging localized ang pagpapatupad ng prog­rama para mahikayat ang kanilang nasasa­kupang barangay na i-localize ito.

Makakaasa ang ating mga kababayang Pilipino na nakahandang umaksiyon ang national government sa lahat ng mga reklamo o anumang idudulog ng mga stakeholders o sinumang indibidwal dahil nais nating maibigay ang pangangaila­ngan ng mga kababayan natin sa local level na apektado ng sigalot.

Pinasasalamatan natin ang lahat ng mi­yembro ng Caraga RTC-ELCAC at provincial go­vernment sa pakikiisa ng mga ito para sugpuin ang insurhensiya sa naturang rehiyon upang matawag na ‘Caraga is the Best’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy