Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Caracut, Melecio pasikat sa Gins

0 63

PAPALAKASIN ng 2020 Philippine Cup champion Barangay Ginebra ang kanilang back court para matulungan nang husto ang tinaguriang Iron Man na si Lewis Alfred “LA” Tenorio sa paghahanap ng mga court general sa nalalapit na virtual PBA Rookie Draft sa Marso 14.

Ito ay matapos na imbitahan ng Gin Kings ang ilang rookie para sa workout kung saan oobserbahan mismo ng mga coaching staff ang kapasidad at talento para mapunan ang kakulangan at kailangan pa nito suportahan para sa pagbubuo sa isang kompetitibong lineup.

Ilan sa inimbitahan ng Ginebra sa unang batch ng rookie workout sa Upper Deck sina Andrei Caracut, Aljun Melecio, Jerrick Ahanmisi at Loren Brill.

Namahala naman sa workout sina assistant coaches Kirk Collier at Olsen Racela. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.