Una sa Balita

Car owner ang may pananagutan sa disgrasya

By
0 248

Dear Atty. Claire, 

Bago ang lahat ako po ay nagpapasalamat sa mga payo ninyo dahil dito marami kayong natutulungan na mga kababayan po natin.

Nais ko pong humingi ng tulong dahil sa aking problema meron po akong GRAB taxi na naka aksidente. Sa aking pagkakaalam kasalanan po ng driver namin at ang isang problema po dito ay hulugan lang din ang sasakyan. Ano po ba ang mangyayari at obligasiyon ng may ari ng sasakyan, driver at insu­rance sa mga ganitong kaganapan lalong-lalo na po sa 2 nadisgrasiya at ang motor?

Sana’y matugunan ninyo ang aking katanungan para po sa aking karagdagang kaalaman.
Maraming salamat po.

Regards, 
Eduardo 

Eduardo,

Bilang may ari ng sasakyan ay may pananagutan ka sa mga maaaring madisgrasya ng sasakyan mo kahit sino pa ang nagmamaneho nito at hindi mo maaaring gamitin bilang pagtangi sa liability na ginampanan o isinagawa mo ang “due diligence as a good father of the family” dahil bilang isang registered owner ay maituturing na empleyado mo ang driver na nagmaneho ng sasakyan mo (Filcar Transport Services vs. Espinas, G.R. 174156, June 29, 2012, 674 SCRA, 117). Ang iyong obligasyon ay batay sa Art. 2176 kaugnay sa Art. 280 ng Civil Code of the Philippines:

Art. 2176. Whoever by act or omission causes damage to another, there being fault or negligence, is obliged to pay for the damage done. Such fault or negligence, if there is no pre-existing contractual relation between the parties, is called a quasi-delict and is governed by the provisions of this Chapter.

***

Related Posts

Art. 2180. The obligation imposed by Article 2176 is demandable not only for one’s own acts or omissions, but also for those of persons for whom one is responsible.

***

The owners and managers of an establishment or enterprise are likewise responsible for damages caused by their employees in the service of the branches in which the latter are employed or on the occasion of their functions.

Employers shall be liable for the damages caused by their employees and household helpers acting within the scope of their assigned tasks, even though the former are not engaged in any business or industry.

***

Ang driver mo ay maaaring makasuhan ng isang kasong kriminal na reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to property ay siya rin ang sisingilin para sa danyos ngunit kung hindi niya mababayaran ang civil liability ay ang registered owner ng sasakyan ang mananagot at magbabayad ng danyos.

Tungkol sa insurance coverage ay depende naman sa nilalaman ng policy mo. Kung covered ang sasakyan mo ng motor vehicle comprehensive insurance ay maaaring sagutin ng insurance company ang lahat ng danyos.

Basahim mo muna kung ano ba ang nilalaman ng insurance policy mo at makipag-ugnayan na sa representative ng company para malaman mo kung hanggang saan ba ang masasagot nila.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-02-45 o 410-7624. O mag e-mail sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy