Una sa Balita

Car insurance: ‘Di porke’t mura ay nakatipid ka na

0 182

ITO na, ­nagmamaneho na tayo matapos na makakuha ng brand new na auto na hulugan o kaya naman ay segunda-mano lamang pero cash naman na nabayaran.

Sa brand new na ­sasakyan, hulugan man o cash ay ­awtomatikong ­kasama sa unang ­binayaran ang isang taon na comprehensive ­insurance ­cove­rage kaya masasabing isang taon kang kampante na hindi ka masyadong ­magagastusan sakali mang nagkaroon ng malaking tama ang sasak­yan mo matapos ­masangkot sa aksidente.

Kung segunda-mano naman ang nabili mo, kailangan mo pa ring ­isai­lalim ito sa comprehensive ­insurance coverage lalo na kung modelo pa para iwas hassle sakaling maaksi­dente o makaaksidente ka.

Kaya lamang, ­kahit sa paghahanap ng ­insurance coverage, ­naging ­ugali na ng mga Pinoy na maghanap ng mura o kaya’y hulugan at ­mayroon pa nga na ang gusto ay mura na at ­hulugan pa.

Sa unang tingin, ­akala mo lamang ay ­nakatipid ka kapag mura at ­hulugan ang nakuha mong ­insurance policy ng sasakyan, hindi mo mararamdaman ang hassle nito kapag hindi nasasangkot sa aksidente ang auto mo.

Pero kapag ­dumating na ang mga pagkaka­taong nasagi, nakasagi, nabangga o nakabangga ka, ­diyan mo malalaman kung totoo ang pinagsasa­sabi ng ahente mo noong kinukumbinsi ka pa ­lamang niya na sa kanya kumuha.

Sa personal kong karanasan, pinakasiguradong sa bangko na kumuha ng insurance coverage para sa inyong mga sasakyan.

Bakit sa bangko?

Unang-una, matinding kulitan ang magaganap sa pagitan ng may-ari ng sasak­yan na nasangkot sa aksidente at sa insurance company kapag oras na ng pag-claim.

Kung sa bangko ka ­kumuha, bangko na ­lamang ang kakausapin mo at sila na ang gagawa ng iba pang proseso oras na makum­pleto mo ang mga ­dokumentong kailangan.

Mas mataas nga lamang ang premium kung sa bangko ka kukuha pero ‘yung mababawas na abala sa iyo at maiiwasang init ng ulo sa pakikipagkulitan ay ­siguradong sulit naman.

Iwasan din kumuha ng hulugan na car ­insurance dahil sasagutin ka ng ­insurance company ng mga pangangatuwirang ­kagaya ng mga ginagamit ng ­abogado kapag ang auto mo ay naaksidente sa mga ­panahong hindi ka pa nakakapaghulog ng kabayaran.

Tatlo ang ­sasakyan na minamantini ko, ­lahat ­naka-insure sa bangko, yung isa natamaan ng bato sa windshield, ‘yung ­bangko lang ang ­kinausap ko.

Pagkatapos ng ­tatlong araw, bago na ­windshield ng sasakyan ko at ­nagamit ko rin agad matapos bayaran ang participation fee.

Ayos ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy