Una sa Balita

‘Captain America’ ng Miami si Wade

By
0 319

MATIBAY, parang bakal pa rin ang katawan ng 37-anyos na si Dwyane Wade.

Lumagapak si Wade noong Biyernes sa first quarter ng 102-96 loss ng Miami Heat sa Sacramento.

Una ang likod na bumagsak si Wade sa isang rebound play, tumalbog ang ulo sa floor. Kitang ininda niya ang sakit, dumapa. Inek­samin ng team trainer bago inalala­yang tumayo.

Pasado naman sa contusion protocol si Wade, pero nananakit ang likod.

Naglaro pa rin ang Heat veteran guard sa Golden State nitong Linggo.
“Any one of us would probably be in a body brace right now,” pahayag ni Miami coach Erik Spoelstra. “But he’s built like Captain America.”

Binigyan ng standing ovation sa Oracle Arena si Wade nang bigyan ng video tribute sa first quarter ng final regular season game na niya sa Bay Area bago mag-retiro pagkatapos ng season.

Tumapos si Wade ng 10 points at nakipagpa­litan ng jersey kay Warriors star Stephen Curry pagkatapos ng 120-118 loss ng Heat.

“It was an amazing video tribute,” aniya. “They really put some thought into that. Afterward I said to my teammates, ‘That was dope.’ That was a great tribute.”