Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Capiz board member na-COVID

0 270

Isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Capiz ang nagpositibo sa COVID-19.

Inanunsyo mismo nitong Linggo ni Provincial Board member Thea Faith Reyes sa kanyang social media account na dinapuan ito ng nabanggit na virus.

Kamakailan ay sumailalim si Reyes sa RT-PCR test bilang requirement sa biyahe nito sa Metro Manila.

Nitong Lunes ay sumailalim na sa kanyang 14-day quarantine ang nasabing asymptomatic na opisyal.

Kasabay nito ay hinimok niya ang mga nakasalamuha niya na sumailalim sa quarantine at subaybayan ang kanilang kalusugan. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.