Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Caperal malaki inangat ng laro

0 84

Smart Clark Giga City – Paningit lang si Prince Caperal sa rotation ng Ginebra noong nakaraang taon, third-string center sa likod nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Pero dahil wala si Slaughter, humaba ang minuto ni Caperal sa team na kumuha sa kanya noong 2018.

Sinamantala ng dating Arellano U standout ang pagkakataon at nakapag-average ng 9.64 points sa Philippine Cup sa Pampanga bubble – napakalaki ng itinalon mula sa 1.2-point output sa 34 games (possible 52) sa Gin Kings noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakakapagbaba na rin si Caperal ng 4 rebounds per outing at naging lehitimong 3-point threat. League-leading pa ang 46.34% clip niya sa labas ng arc.

Kung aaprubahan ng Board ang pagbibigay ng individual awards kahit isang conference lang ang na-salvage ngayong 45th season, posibleng maging kandidato sa Most Improved Player si 27-year-old Caperal.

Maganda raw ang kondisyon ng 6-foot-7 big man.

“He has a better body,” lahad ni Ginebra coach Tim Cone. “He is stronger and he is also just a great guy. Everybody loves Prince. He is a super guy on the team. We are all happy for his success.” (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.