Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Capadocia matatag sa gitna ng pandemya

0 125

POSITIBO lang ang pananaw ni Philippine women’s tennis singles rank no. 1 player Marian Jade Capadocia kahit nilatigo ng dalawang taong suspensiyon ang Philippine Tennis Association (PHILTA) ng International Tennis Federation (ITF).

“Malungkot, pero kung ‘yung failure ang iisipin mo talagang mahirap maka-move on. Right now we are barred to play in all ITF-sanctioned tournament which definitely a big blow in our quest for world ranking. Pero hindi kami humihinto, training lang, para sakaling makabalik na kami everybody are ready to play,” pahayag ni Capadocia sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports on Air’ na suportado ng Philippine Sports Commission, Games and Amusements Board at Philippine Gaming Corporation (Pagcor).

“Kung may sponsors sana kahit papaano, makakalaro tayo sa mga tournament sa abroad outside ITF sanctioned event para madevelop din yung game plan mo. Iba rin kasi (kapag) ang kalaban mo foreigner may iba silang sistema na matutunan mo.”

Magugunita noong 2017 nang mamuno si Atty. Antonio Cablitas, nakabalik muli si Capadocia sa national team at inipresenta rin ang bansa sa international competitions.

“Malungkot talaga dahil before may problema ako sa Philta. Ngayong naayos na, yung Philta naman ang nagkaproblema sa ITF. Hopefully, maayos kaagad para makabalik kami sa ITF-sanctioned event,” sambit ni Capadocia. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.