Una sa Balita

Canvassing ng mga boto sa plebisito, itinakda sa susunod na linggo

By
0 250

IPINAGPALIBAN kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang canvassing ng mga boto para sa ikalawang yugto ng plebisito para sa pagkakasama ng ilang lugar sa Mindanao sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Binuksan ni Comelec Chairman Sheriff Abas ang sesyon ng National Plebiscite Board of Canvassers ng bandang alas-10:00 nang umaga kahapon hindi para simulan ang canvassing ng mga boto kundi para ihayag na magre-recess ito hanggang alas-dos nang hapon sa Pebrero 11.

Sinabi ni Abas na wala pa rin namang dumarating na mga certificate of canvass mula sa mga lugar na pinagdausan ng plebisito sa Lanao del Norte at North Cotabato kaya ipinagpaliban nila ang canvassing.

Ginanap ang ikalawang yugto ng plebisito sa mga bayan ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagaloan at Tangkai sa Lanao del Norte at mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Cabacan, Midsayap, Pigkawayan, at Pikit sa North Cotobato.

Kapag nanalo ang yes vote sa nasabing mga lugar, magiging bahagi ng BARMM ang mga nasabing lugar na pagkakalooban ng mas malawak na hurisdiksyon, dagdag na hati sa national government resources, fiscal autonomy at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy