Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cantonjos hari sa Pagadian

0 40

PINAGHARIAN ni Allan Cantonjos ang Mayor Samuel “Sammy” S. Co Pasalamat Festival 2022 Individual Rapid Chess Championship matapos talunin si Julius Dan Augustine Ablin sa final round sa torneong ginanap sa C3 Mall food court sa Pagadian City nitong Huwebes.

Ang Gingoog City native na si Cantonjos ay tumapos ng 6 wins at 1 draw tungo sa total 6.5 points, iskor na naitala din ni National Master Dale Bernardo, suubalit nang ipatupad ang tiebreak points ay hinirang na kampeon ang ipinagmamalaki ng Philippine Air Force Chess Team na si Cantonjos.

Tianggap ni Cantonjos ang P15,000 premyo habang nagkasya naman si Bernardo mula Angeles City, Pampanga P10,000.

Naisubi naman ni Reynaldo Aba-a ng Davao City ang third na may anim na puntos sapat para iuwi ang P6,000. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.