Una sa Balita

Cansino, Abando pinulbos ang NU

0 375

NAGTULUNGAN sina sophomore guard CJ Cansino, Renzo Subido at ang nagbabalik sa aksiyong rookie na si Rhenz Abando para buhatin ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers sa 88-76 panalo laban sa National University (NU) Bulldogs kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nanguna sa opensa si CJ Cansino na kumalawit ng 15 points, 5 rebounds at 3 assists para iangat ang UST sa 7-5 panalo-talo baraha at ilubog pa ang NU sa 2-9 kartada.

Umalalay si Subido 14 markers sa likod ng 4-of-6 shooting sa three-point line habang double-double na 16 points at 17 boards ang nilista ni Soulmane Chabi Chabiyo para sa back-to-back win ng Growling Tigers.

May siyam na puntos naman si Abando sa kanyang pagbabalik-aksiyon matapos hindi makapaglaro sa huling laban ng UST dahil sa isyu ng pamimirata sa kanya ng ilang team.

“We played well. We were able to execute our game plan,” ani UST head coach Aldin Ayo. “Lots of player stepped up. They just played basketball, they were having fun. They enjoyed the game.”

Wala namang nagawa ang game-high 27 markers at 6 rebounds ni Dave Ildefonso para sa National University.

Sa ikalawang laban, namuno si L-Jay Gonzales sa pananambak ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa De La Salle University (DLSU) Green Archers, 81-60, para okupahin ang solo fourth place.

Sinuwag ng sophomore guard ang La Salle sa pagkamada ng 14 points, seven assists, six rebounds at two steals para bumangon sa 65-55 loss nila sa defending champions Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles noong nagdaang linggo.

Umangat ang FEU sa 6-6 panalo-talo marka sa likod ng Ateneo (11-0), University of the Philippines (6-4) at University of Sto. Tomas (7-5). (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy