Una sa Balita

Canonoy, 2 pa susulong sa Quantum Zero team

0 296

MAGSASANIB-PUWERSA sina Michael Renz Canonoy, Jerry Areque at Raffy Lobitana para rendahan ang Quantum Zero chess team sa 2nd Libayan-Libayan Tatluhan Chess Team Tournament 1975 average ratings ngayong araw sa League One Southgate Mall sa Makati City.

Ipapatupad sa rapid chess tatluhan team event format ang time control 20 minutes plus five seconds delay per move.

Gagamit ng seven round-swiss system format ang one-day tournament na suportado ng National Chess Federation of the Philippines.

Ang torneong ito ay bukas sa lahat ng titled, non-titled, rated at unrated chess players.

Tatlong players sa bawat koponan kung saan ang titled/master player ay pwedeng i-line up sa board 1.

Gagammitin sa ratings basis ang latest NCFP ratings (July 1, 2019).

Masisilayan din ang koponan ng Harang Vs. Silip Chess Team nina National Master Jerome Balico, Ritchie Evangelista at Christopher Gumba, Team United nina Nelson Busa, Paul Sanchez at Andrew Elpedes.

Nakataya ang P20,000 plus trophy at medal sa magkakampeon.

Ang second hanggang eight placers ay makakapag bulsa ng cash prizes na P15,000, P10,000, P8,000, P6,000, P3,000, P2,500 at P2,000.

Minimum of two teams para sa category winners sa Top College Team, Top High School Team, Top Elementary Team, Top kiddie (Under 14) chess team at Top Lady Team, makakatangap ng tig P2,00 plus medals at tig P500 naman para sa Individual board medallist mula board 1 hanggang 3. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy