Una sa Balita

Canlas, Red Lions nilapa ang Bombers

0 215

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — EAC vs Mapua
2:00pm — LPU vs CSB
4:00pm — Letran vs SSC

KUMAYOD si James Canlas ng 18 points, pitong rebounds at dalawang assists upang akbayan ang defending champion San Beda University (SBU) Red Lions sa 12-game winning streak matapos lapain ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers, 65-47, sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Maagang nagpakita ng bangis ang Red Lions, abante sila ng anim na puntos, 21-15, sa first canto.

Subalit nagpakatatag ang Heavy Bombers sa second quarter para agawin ang unahan, 31-27, sa halftime matapos silang pangunahan ni Agem Miranda at John Amores.

Pero umiral ang pagiging champion team ng San Beda, binawi nila ang bentahe sa second half upang manatiling malinis ang karta at ipalasap sa Kalentong-based squad JRU ang pang-walong talo sa 12 laro.

“My boys really stepped up at dumepensa sila,” saad ni Mendiola-based team SBU head coach Boyet Fernandez.

Samantala, uminit ang opensa ni Kent Salado sa endgame upang tulungan ang Arellano University Chiefs na kayurin ang Perpetual Help Altas, 91-86, at kalsuhan ang kanilang three-game losing skid sa second game kagabi.

Muling ipinaramdam ni graduating guard Salado ang kanyang tikas matapos magtala ng 18 points, 12 assists, apat na steals at tatlong rebounds upang akbayan ang Chiefs sa kanilang pangatlong panalo sa 12 salang.
(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy