Una sa Balita

Canino, Romero kampeon sa 12-Under chess

0 185

NASILO ni Ruelle Canino ang korona sa Girls Under-12 Division ng Gov. Amor Deloso National Age Group Chess Championships matapos kalusin sa 11th at final round si Alysah Buto Martes ng hapon sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales.

Nakalikom si Canino ng siyam na puntos sa 12-player single round robin tourney, nakaungos ng kalahating puntos kay Jersey Marticio na tabla ang laro kay Shaina Gail Bagorio.

Lumanding sa third place si Daren Dela Cruz na may 7.5 puntos matapos makipaghatian ng puntos kay Francine Elaine Magpily.

Ang six-day event ay inisponsoran nina Gov. Deloso at Congressman Cheryl Deloso, NCFP President Butch Pichay at Philippine Sports Commission sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Solo champion naman si Gladimir Chester Romero sa Boys Under-12, nakipagkasundo ng draw kay 2019 Batang Pinoy Luzon leg champion Gio Troy Ventura sa final round.

Samantala, nagpakitang gilas din si May Ann Alcantara matapos sikwatin ang titulo sa girls Under-20 division.

Pinagpag ni Alcantara si Bhea Buen Ecal sa 69 moves ng Sicilian Defense sa last round ng girls’ Under-20 division ng Gov. Amor Deloso National Age Group Chess Championships sa Zambales Sports Complex, Iba, Zambales, Biyernes ng gabi.

Nakakuha ng spot sa national team si Alcantara, kasama niya sina second at third placers Rizalyn Jasmine Tejada at Viona Nepascua ayon sa pagkakasunod, na la­laro sa June sa ASEAN Age Group tournament sa Myanmar. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy