Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Canedo kampeon sa World PitMaster

0 55

MAHILIG na sa sabong si Rey Canedo ng RC GameFarm simula nung bata pa, huminto pero nang bumalik sa pagsasabong ay naging kampeon at nakilala bilang sikat na commercial breeder sa bansa.

Isiniwalat ni Canedo kung paano siya nagtagumpay sa larangan ng sabong nang maging panauhin ito sa “SABONG On Air”, ang bagong segment ng Radio DZME 1530KHz AM na mapapakinggan tuwing Biyernes alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.

Nahinto muna ng anim na taon si Canedo at sa kanyang pagbabalik ay sinabong nito ang masikip na daan para maging kampeon.

Noong 2019 ay naging kampeon si Canedo sa World Slasher Cup pero umugong at lalong nakilala nang tatlong beses siyang mag-solo chamnpion sa PitMaster.

“Yun ang dahilan kaya napasama ako sa pamilya ng WPC noong magsolo-champion ako ng tatlong beses kaya naging loyal ako sa WPC,” pag amin ni Canedo nang tanungin siya ng host ng “SABONG On Air” na si Ka Rex Cayanong.

Ikinuwento rin ni Canedo ang naging susi nito sa tagumpay, ito’y ang pagpili ng tamang materyales sa pagbi-breed at ginamit nitong bloodline sa mga panlaban niyang warrior.

“Baseline na bloodline na gamit ko ‘yung Hatches na may Gilmore at sa light fowls may Round Head, Sweater at Claret,” ani Canedo.

Nagkampeon din si Canedo sa “Matira, Matibay” na pa-derby ng WPC sa sabong online.

Ayon kay Canedo, malaking tulong ang WPC na pinamumunuan ni Charlie “Atong” Ang dahil dumami ang breeders na nagbebenta ng manok maging sa mga probinsiya ay nabibili na ang mga manok para dalhin sa Manila at ilaban.

Samantala, ang “SABONG On Air” ay katuwang ng WPC at PitMaster Foundation, mapapanood din ang nasabing programa sa YouTube at Facebook. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.