Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Canaleta, Nabong birador ng Blackwater

0 68

Nag-iipon ng iikutang puwersa sa frontline ang Blakwater.

Nakuha ng Bossing ang bruskong forward na si Kelly Nabong, binigyan ng six-month contract matapos bitawan ng NorthPort.

Pinapirma rin sa panibagong one-year deal si veteran big man KG Canaleta.

Noong nakaraang online rookie draft, hinugot ng Bossing si Andre Paras na kilalang puwersa sa ilalim, kasama sina Reymark Acuno at Josh Torralba.

Ilang araw bago magsimula ang PBA scrimmages, ibinalik sina bigs Marion Magat, Jonjon Gabriel at Frank Golla na pare-parehong itinali sa tig-isang taon, tulad din ng nakuhang deals sa team noong nakaraang season.

Nakapag-deliver ng disenteng mga numero ang tatlo para kay coach Nash Racela sa Philippine Cup bubble sa Clark.

Pinakamainam si 6-foot-7 Magat na nagsumite ng 4.1 points at 4.0 rebounds bawat laro. Napakinabangan nag 3.4 pts., 1.8 rebs. per outing ni 6-6 Gabriel, samantalang nakapaglista ng 4.3 markers, 3.2 boards at 1.0 feef si 6-5 Golla.

Planong magbukas ang 46th season ng pro league sa June sa isang closed circuit sa pinagpipilian pang Ynares Center sa Antipolo, Batangas Sports Center o sa Ilocos Norte Centtnial Arena sa Laoag.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.