Una sa Balita

Canadian hinatulan ng kamatayan sa China

0 480

Hinatulan ng parusang kamatayan sa China ang isang Canadian citizen dahil sa tangkang pagpupuslit ng iligal na droga noong 2014.

Si Robert Lloyd Schellenberg, ay u­nang sinentensyahan na makulong ng 15 taon at multang 150,000 yuan noong Nobyembre su­balit noong Disyembre, pumalag ang High Court dahil masyado umanong magaan ang hatol sa Canadian citizen.

Nataon ito sa pag­labas ng babala ang China na gaganti sila sa pag-aresto ng Canada sa Huawei executive na si Meng Wanzhou noong Disyembre.

Kinastigo naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang ibinabang hatol ng Dalian Intermediate People’s Court.

Ayon sa rekord ng kaso, si Schellenberg ay ipinadala umano ng drug traffickers sa Dalian upang ayusin ang pagpupuslit ng 222 kilo ng methamphetamine mula sa Chinese port city patungong Australia noong Nobyembre 2014.

Sumuko naman sa mga pulis ang kasapakat umano ni Schellenberg kaya’t napilitan itong magtago sa Dalian hanggang sa maaresto noong Dis­yembre 1, 2014.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy