Una sa Balita

Canadian chesser pinisak ni Antonio

0 333

PINASUKO ni Pinoy GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr. si Canadian David Filipo­vich upang mapaganda nang bahagya ang puwesto matapos ang round 2 ng FIDE World Seniors 2019 Chess Championships na ginanap sa Rin Grand Hotel sa Bucharest, Romania Miyerkoles ng gabi.

Nakalikom si Antonio, 57, ng 1.5 points matapos ang 39 moves ng Caro-Kann defense upang makisiksik sa 27th place sa 50-and-above category.

Makakalaban ni Antonio sa round 3 si FM Dale Haessel ng Canada, kung saan ang kampanya ng 13-time Philippine Open champion ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Wlliam ‘Butch’ Ramirez at ng Prage Management Corporation (Abante/Abante Tonite).

“It’s still a long way to go,” hayag ni Antonio, 2nd place sa 2017 edition ng nasabing event na ginanap sa Acqui Terme, Italy.

Nauwi naman sa draw ang laban ni IM Angelo Young kay Romanian Gabriel Dobrescu sa 41 moves ng Old Indian defense.

May 1.5 puntos din si Young kaya kasalo niya si Antonio.

Kinalos naman ni FM Cesar Caturla si Italian FM Giuseppe ­Valenti matapos sa 49 moves ng English Opening­ upang itarak ang 1.5 puntos sa 65-and-over section.

Si Caturla na miyembro ng Philippine team sa 1976 Haifa (Israel) Chess Olympiad ay makakalaban sa susunod na round si Roland Mayer (Elo 2078) ng Germany. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy