Una sa Balita

Canada inawat ng Beijing sa pangingialam sa HK

0 284

BINALAAN ng Chinese embassy sa Ottawa ang Canada na huwag makialam sa gusot sa Hong Kong at pinag-iingat sa pagbibitaw ng mga salita.

Ang Canada at European Union ay naglabas ng pahayag nitong Sabado at iginiit ang karapatan ng mga taga-Hong Kong na magdaos ng mapayapang pagtitipon alinsunod sa kanilang batas.

“People of Hong Kong enjoy unprece­dented democratic rights and a broad range of freedoms rarely seen across the world,” bahagi ng ipinalabas na pahayag ng Chinese embassy sa Ottawa.

Iginiit pa ng China na kung nais ng Canada na marinig ang kanilang posisyon dapat ay ipahayag nito ang pagkondena sa karahasang nangyayari sa protesta.

Ang relasyon ng Canada at China ay nalamatan dahil sa Tia­nanmen Square massacre noong 1989 na sinundan ng pag-aresto ng Canada sa isang Chinese tech executive na nahaharap sa kasong fraud sa US.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy