Una sa Balita

CamSur chairman tinodas sa Christmas party

0 544

ISANG barangay chairman ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa kalagitnaan ng Christmas party kamakalawa ng gabi sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jeol Baricas, nasa hustong gulang, chairman ng Barangay Lalawigan ng nabatid na bayan.

Sa inisyal na ulat ng Mercedes Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa covered court ng Barangay Lalawigan sa nasabing bayan.

Napag-alaman na dumalo ng Christmas party ang biktima at nasa kalagitnaan ng kasiyahan nang biglang sumulpot sa court ang hindi pa kilalang lala­king suspek na armado ng baril at malapitang pinagbabaril ang kapitan ng barangay.

Matapos masiguradong wala nang buhay ang target ay saka umalis ang suspek. Hindi naman mabatid kung ano ang sinakyan ng salarin at kung mayroon pa itong kasama sa paggawa ng krimen.
Sa ngayon ay ­patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa ­nasabing krimen. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy