Una sa Balita

Campaign leader ng kandidato sa Batangas, tinodas

0 327

By Ronilo Dagos

TODAS ang campaign leader ng isang partido ng mga lokal na kandidato sa Alitagtag, Batangas matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa nasabing bayan kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Del Mundo, 74-anyos, residente ng Brgy. Dominador East at campaign leader ng grupo nina mayoralty candidate Tet Andal at vice mayoralty bet Boyet Sandoval na tumatakbo sa ilalim ng partido ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Ayon sa report ng Alitagtag police, kagagaling lamang ng biktima sa meeting ng partido at kararating lang sa kanilang bahay dakong alas-9:10 nang gabi.
Nakahiga at nagpapahinga na sa kubo sa tabi ng kaniyang bahay ang biktima nang lapitan ito ng isa sa mga suspek at pagbabarilin.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at suma-kay sa isang motorsiklo.

Agad namang isinugod sa Martin Marasigan District Hospital sa bayan ng Cuenca ang biktima subalit nasawi rin ito habang ginagamot dahil sa da-lawang tama ng bala sa leeg.

Ayon sa anak ng biktima, noong nakaraang linggo ay nakatanggap na ng death threat ang biktima at personal din umano itong binantaan ng isang hindi tinukoy na personalidad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy