Una sa Balita

Camille humihingi ng lalake sa Diyos para kay Angelica

By
0 5,677

Hinahangaan ni Camille Prats ang kababata at kakontemporaryo na si Angelica Panganiban sa kung paano nito i-handle ang anumang pinagdaanan at pinagdadaanan sa buhay.

Na-touched din si Camille nu’ng pinadalhan pa raw siya nito ng libro nito at may dedication pa raw ni Angelica.

“I admire her because she take things too light. She came out with the book and I admire her for being so strong and moving-on with life. Hinahangaan din daw niya si Angelica na hindi gumi-give-up na alam nitong may tamang tao para talaga sa kanya.”

Kahit sabihin daw na siya kumpara sa kanila ay nagkaroon na nga ng second chance sa buhay pag-ibig niya bilang dalawang beses na siyang ikinakasal, namatay ang unang Mister niya at si Angelica naman ay tila hindi pa nakakahanap ng suwerte nito sa pag-ibig, iba-iba naman daw sila ng battle.

“Magkaiba rin naman kasi kami ng mga pagsubok. Kaya dun pa lang, parang ang hirap naming ipagkumpara pagdating sa kung paano nilalatag ang buhay sa amin.

“Basta ako, palagi kong sinasabi sa kanya na ang lagi kong dasal sa kanya, mahanap niya ang tunay na kaligayahan whether it’s with somebody or alone.”

Anyway, balik teleserye na nga si Camille pagkatapos niyang mangangak sa first baby nila ng Mister na si VJ Yambao na si Nala. Five months pa lang ito, pero two months pa lang daw si Nala nang i-offer sa kanya ng GMA ang morning serye na Ang Forever Ko’y IKaw opposite Neil Ryan Sese at mapapanood na tuwing 11:30 ng umaga sa GMA-7 simula March 12.

Dream come true para kay Camille ang serye dahil sanay siya sa mga heavy drama roles, na-realized niyang ang ganitong light-lightan at kilig-kiligan serye pala ang matagal na niyang pinapangarap na gawin. (Rose Garcia)