Una sa Balita

Camila, Shawn super laplapan sa NBA game

0 614

Hindi na talaga mapigilan ang PDA (public display of affection) ng magdyowa na sina Camila Cabello at Shawn Mendes. This time, marami talagang fan ang nakasaksi dahil spotted ang dalawa na tila walang paki sa paligid basta’t naghahalikan sila sa courtside ng NBA game sa pagitan ng LA Clippers at Toronto Raptors kamakailan.

Makikita rin sa reaksyon ng babae sa kanilang tabi ang pagka-awkward at gulat nang biglang may mag-make out sa kanyang tabi habang nanonood ng intense basketball game ng NBA teams.

Well, ayon sa timeline ng kanilang relasyon, una talaga silang nagkakilala noong July 2014 pa pero hindi pa roon nagsimula ang kanilang romansa. Ayon sa kanila, nag-uusap na sila noon somehow. Tapos, noong November 2015 naman nangyari ang kanilang unang collaboration sa pagbuo ng kantang “I Know What You Did Last Summer”. Doon pa lang ay tila medyo fishy na talaga sila pero pinaka- pumutok talaga ang isyu ng kanilang relasyon ay nang sumikat ang kanilang kanta nitong taon na “Señorita”, kung saan mas wild and showy sila sa affection na meron silang dalawa.

Simula noon, ilang beses na silang spotted na magka-holding hands tapos may pagbati pa si Camila kay Shawn sa birthday nito na “Happy Birthday to this Magic Human, I love you!”

Tapos, nitong September naman ay kinumpirma nila ang kanilang relasyon matapos mag-upload ng kanilang pagme-make out sa Instagram.

Anyway, marami nga ang hindi maka-move on sa PDA ng dalawa sa naturang NBA game. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy