Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cameraman ni Ben Tulfo natagpuang patay

0 373

Kinumpirma ni Ben Tulfo sa kanyang programa na bangkay nga ng kanyang cameraman na si Sandy Villapando ang natagpuan ng mga pulis sa Regalado Avenue, Quezon City.

Personal na kinilala ng asawa nito ang bangkay ng cameraman sa isang punenarya sa Novalichez. Na-recover ng Quezon City Police ang bangkay ng biktima noong July 21 ng madaling-araw pero hindi agad ito nakilala dahil sa walang identification na nakuha sa bangkay nito.

Una nang inireport na nawawala si Villapando noong July 20 matapos na umano’y kunin ng ilang kalalakihan at isakay sa sasakyan sa Tandang Sora, Quezon City ilang metro mula sa inuupahan niyang apartment.

SM food to go Banner Ad

Sa pahayag ni Tulfo sa kanyang programa sinabi nito na umalis bilang cameraman ng Bitag si Villapando sa pagitan ng 2016 hangang 2018 at naging asset ito Philippine National Police. Noong 2019 ay muli siyang bumalik sa Bitag bilang fulltime cameraman.

Ayon na munang magbigay ng iba pang detalye ni Tulfo pero sinabi nito sa kanyang programa na may ginagawa silang sariling imbestigasyon para alamin ang motibo at kung sino at paano namatay si Villapando.

Nananawagan ang mga kaibigan ni Villapando sa kinauukulan partikular na kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director at Undersecretary Joel Egco na imbestigahan ang pagkamatay ni Villapando. (Dave Llavanes Jr.)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.