Una sa Balita

Camarines Norte Governor Tallado tuluyang sinibak

By
0 1,398

Tuluyan ng sinibak bilang Camarines Norte governor si Edgardo Tallado matapos ipatupad ni Department of Interior and Local Government (DILG)– Bicol Regional Director Elouisa T. Pastor ang dismissal order ng Ombudsman kamakalawa ng hapon.

Ganap na alas-singko ng hapon nang isilbi sa tanggapan ni Gobernador Tallado ang order samantalang ganap na ika-5:07 naman ng hapon tinanggap ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang succession order para sa bagong gobernador at bise gobernador ng Camarines Norte.

Ayon sa Order na nilabas ni DILG Regional Director Pastor ay itinatalaga alinsunod sa Section 46 ng RA 7160 (Local Government Code of 1991) si Vice Governor Pedro Jonah Pimentel bilang bagong gobernador at si Senior Board Member Arthur Michael G. Canlas bilang bagong bise Gobernador ng Camarines Norte.

Ang bagong dismissal order laban kay Tallado ay nag-ugat sa kasong isinampa ni dating Provincial Veterinarian Dr. Edgardo Gonzales na sinibak ni Tallado nang siya ay maging Gobernador noong 2010.