Una sa Balita

Camanava inulan ng parapernalya sa unang araw ng kampanya sa barangay at SK election

By
0 1,213

Aarangkada na nga­yon (Mayo 4) ang una sa siyam na araw na campaign period na iniaatas ng Commission on Election (Comelec) sa lahat ng mga candidate para sa barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na Mayo 14.

Sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (Camanava) area, alas-12:00 pa lang ng hatinggabi, sangkaterba na ang mga nakadikit na mga poster at tarpaulin ng mga kandidato kunsaan nakasulat na ang salitang ‘vote’.

Base sa kautusan ng Comelec, matatapos ang campaign period ng mga kandidato sa Mayo 12 at hindi na sila maaaring mangampanya pa sa Mayo 13 na bisperas ng halalan.
Bawal ding maglagay ng mga tarpaulin, poster sa mga poste ng Meralco at puno.

Maaaring kunan ng picture ang mga nakala­gay na polyetos ng mga kandidato sa ipinagbabawal na lugar at dalhin sa komisyon nang sa ganu’n ay magawan ng kaukulang aksiyon para sa disqualification ng kandidatong pasaway.

Sa Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City, ipinangako ng ‘Team Dabarkads’ sa pangu­nguna ni Kapitana Ellaine Manalaysay, na susunod sila sa lahat ng mga alituntunin ng Comelec.

Kabaligtaran naman ito ng ibang kandidato sa Brgy. Gen. T. de Leon, dahil namumutakti na ang kanilang mga poster at tarpaulin sa mga lugar na hindi dapat pagkabitan.